CAUAYAN CITY– Karamihang Overseas Filipino Workers (Ofw’s) sa Tripoli ay hindi umano sang-ayon sakaling magpatupad ang pamahalaan ng forced evacuation dahil sa patuloy na kaguluhan sa Libya.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Mr. LouieChito Batoon Jaramillo, Chairman ng OFW Organization sa Tripoli, Libya at maintenance planner sa isang kompanya ng langis sa Tripoli na 18 pa lamang sa mga Ofw ang nagpalista sa Embahada ng Pilipinas para sumailalim sa repatriation.
Karamihan aniya sa kanila na nagtatrabaho sa mga kompanya ng langis ay maghihintay sa desisyon ng kanilang mga employer.
Saka lamang sila uuwi kapag ang kanilang employer ang nagpauwi na sa kanila.
Sinabi ni Mr. Jaramillo na sa pakikipag-ugnayan niya sa kanyang mga coordinator sa iba’t ibang lugar sa Libya ay wala silang nakukuhang impormasyon na maramin g OFW ang nagsasabing nais nilang umuwi na sa bansa.
Aniya “sinabi sa akin sa meeting na walang sapilitan, walang pupunta dun sa bahay, papakuin ka at isakay ka. Wala namang ganun”.