--Ads--

CAUAYAN CITY – Tikom pa umano ang bibig ng pamilya ni Barangay Kapitan Manuel Ramento ng Bubug, Sto. Tomas, Isabela kaugnay ng posibleng nasa likod ng pagbabanta sa kanyang buhay na natanggap matapos na ipatigil ang illegal na pamumutol ng kahoy sa kanilang lugar.

Matatandaang napatay sina Barangay Kapitan Ramento at Barangay Kagawad May Glenn Padre matapos na pagbabarili noong gabi ng Miyerkoles ang sinasakyan nilang van ng mga lalaking sumulpot mula sa maisan.

Ito ay naganap sa barangay Bagabag, Sto. Tomas, Isabela habang pauwi sila sa Barangay Bubug, Sto. Tomas mula sa pagdalo sa Inatata Festival sa municipal gymnasium ng nasabing bayan.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni PCpt Mariano Manalo, hepe ng Sto. Tomas Police Station na tumutulong na ang Isabela Police Provincial Office (IPPO) at Criminal Investigation and detection Group (CIDG) sa kanilang imbestigasyon sa pagpatay kina Ramento at Padre.

--Ads--

Tinututukan pa rin nila ang pahayag ng pamilya ni Ramento na nakatanggap siya ng death threat.

Ayon kay PCpt. Manalo, napag-alaman lamang nila ang pagbabanta sa buhay ng barangay kapitan matapos ang pananambang sa kanila.

Kung ipinabatid sana ito sa kanila ng barangay kapitan ay maaaring nakagawa sila ng action.

Nanawagan si PCpt. Manalo sa mga may alam sa krimen na magbigay sa kanila ng impiormasyon para matukoy at madakip ang mga salarin.

Tinig ni PCapt.Mariano Manalo