--Ads--

CAUAYAN CITY – Patuloy ang pagtulong ng Tactical Operations Group (TOG2) ng Philippine Air Force (PAF) sa Department of Health (DOH) sa pagdadala ng mga bakuna sa mga coastal towns sa ikalawang rehiyon.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni  Lt Col Sadiri Tabutol,  Commander ng TOG2, PAF na bilang suporta  nila ay  nagdala sila kahapon  ng mga COVID-19 vaccines sa Calayan Island, Cagayan gamit ang kanilang chopper.

Ang aabot sa mahigit 1,335 doses ng bakuna ay malugod na tinanggap ng mga opisyal ng pamahalaang lokal ng Calayan Island.

Noong January 15, 2022  ay nagdala  rin sila ng mga bakuna COVID-19  sa Fuga  Island,  Aparri,  Cagayan gamit ang Sokol helicopter.

--Ads--

Maayos  nilang nadala  ang mga cannister ng tatlong vials ng Sinovac, 216 vials ng Pfizer, 1,000 vials ng Jansen at tatlong box ng mga supply ng gamot  ng 7 DOH personnel at LGU lulan ng chopper.

Matatandaang  noong Marso 2021 ay nagdala ang TOG2 ng unang batch ng mga bakuna  sa Basco, Batanes at dumaan sila sa Calayan Island gamit ang S70i   Blackhawk  helicopter.

Muli silang nagdala ng mga bakuna  noong Hunyo 2021  sa Calayan Island at Batanes.

Nagdala sila ng mga karagdagang bakuna sa Calayan island noong October 28 at November 29, 2021   sa Calayan Island.

Ayon kay Lt. Col. Tabutol, ang Philippine Air Force  at iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan  ay nagtutulungan sa pagpapatupad ng mga hakbang para labanan ang pandemya.