--Ads--

CAUAYAN CITY – Pinalawig ng NIA-MARIIS ang cut off sa patubig sa mga irrigation canal para mabigyan pa ng pagkakataon ang mga magsasaka na magpatubig ng kanilang palayan.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Engr. Gileu Michael Dimoloy, acting Department Manager ng NIA-MARIIS na nagpulong sila noong Lunes at nakita nila na alanganin ang cut off sa March 5, 2022.

Ipinaliwanag ni Engr. Dimoloy na ang regional schedule sa cut off sa pagpapatubig sa mga irrigation canal na March 5, 2022 ay batay sa kanilang cropping calendar.

Kailangan aniyang ipatupad ang cut-off para ayusin ang mga irrigation canal upang maihanda ang mga ito sa wet cropping season.

--Ads--

Ito rin ang pagkakataon upang isagawa ang taunang preventive maintenance ng Magat dam para makita kung may leak, gayundin ang paglalagay ng langis at pagpipintura.

Gayunman, nagpulong ang mga division managers at mga nasa operations at nagpasya sila na puwedeng palawigin ang cut off.

Sinabi ni Engr. Dimoloy na itinakda sa March 10 at 13 ang bagong cut off depende sa pangangailangan pa ng patubig ng mga magsasaka sa iba’t ibang Division.

Ganito ang bahagi ng pahayag ni Engr. Gileu Michael Dimoloy.