--Ads--

CAUAYAN CITY – Pito ang nasawi, tatlo ang nasugatan sa pagkahulog sa bangin kaninang umaga ng isang elf truck sa Sito Muntonop, Ubao, Aguinaldo, Ifugao.

Ang sasakyan ay galing sa Majlong, Aguinaldo, Ifugao at papunta sana sa burol ng kamag-anak nang mahulog sa bangin matapos umanong mawalan ng preno.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan kay PLt. Ricardo Dumangeg, hepe ng Agunaldo Police Station, kinumpirma niya na 7 ang nasawi sa naganap na aksidente.

Magkakamag-anak ang mga nasawi at nasugatan na pawang residente ng Aguinaldo, Ifugao.

--Ads--

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan kay Bb. Fredilyn Ponchao, ang mga namatay ay ang driver na si Joey Tambiag, ang misis na si Divina, Whilma Chumatog, Josephine Uhuban, Ricky “Ngettet” Chog-ap, Rosita Paynohon, pawang residente ng Majlong, Aguinaldo, Ifugao at Vicente Buyag-ao, residente ng Timboan Bunhian, Aguinaldo, Ifugao.

Ang mga nasugatan na ginagamot sa ospital ay sina Artist Paynohon, Kimberly Joy Tambiag at Fernando Bahiwag, pawang residente ng Aguinaldo, Ifugao.

Patuloy ang imbestigasyon ng Aguinaldo Police Station para malaman ang tunay na dahilan ng pagkahulog sa bangin ng truck na pag-aari ni Jordan Pinagod ng Majlong, Aguinaldo, Ifugao.

Photo Credit: Ms. Fredilyn Ponchao