--Ads--

CAUAYAN CITY Nasawi ang isang batang babae matapos na malunod sa Pinacanawan River sa Cadsalan, San Mariano, Isabela.

Ang biktima ay si Monica Urbano, 7 anyos at residente ng Purok 4, Cadsalan, San Mariano, Isabela.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni PSSgt. Rogelio Ignacio Jr., investigator on case ng San Mariano Police Station na kahapon ay nagreport sa kanilang himpilan si Barangay Kagawad Marlon Robles ng Cadsalan, San Mariano na may nalunod na bata sa kanilang barangay.

Sa kanilang pagsisiyasat ay napag-alaman na 11:00a nang magtungo sa Pinacanawan River ang mga magulang ng bata na sina Eduardo at Marivic Urbano at isinama ang bata dahil wala umanong kasama sa kanilang bahay.

--Ads--

Naglalaba sila ng damit nang mapansin ng ni Gng. Urbano na nawawala ang bata.

Hinanap niya ito at nakita na lamang sa ilalim ng tubig na halos limang talampakan ang lalim.

Agad nila itong inireport sa mga opisyal ng barangay at itinawag sa Rescue ng San Mariano kaya nadala pa sa San Mariano Community Hospital ang bata ngunit idineklarang dead on arrival.

Ayon kay PSSgt. Ignacio, may mga kasama pa sila sa ilog pero hindi rin napansin ang pangyayari.

Ito ang unang pagkakataon na may malunod sa naturang barangay ngayong taon.

Paalala niya sa publiko lalo na sa mga nagpupunta sa ilog na bantayan ang kanilang mga kaanak lalo na ang mga bata para maiwasan ang ganitong pangyayari.

Ang pahayag ni SSgt. Rogelio Ignacio Jr.