--Ads--

CAUAYAN CITY – Patay ang isang 7 anyos na batang babae habang nasugatan ang kanyang mga magulang matapos bumangga sa isang kongkretong arko ang sinasakyan nilang tricycle sa barangay Fuyo, Lunsod ng Ilagan.

Ang biktima ay si Christine Sarah Mangabat, 7 anyos habang ang mga nasugatan na mga magulang na sina Gerald Melchor Mangabat, 27 anyos na siyang nagmaneho sa tricycle at ang misis na si Guia Mangabat, 27 anyos na aalis sana ngayong araw patungong Middleast.

Ang mga biktima ay residente ng barangay Rang-ayan, Ilagan City.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni PO2 John Paul Nicolas, imbestigador ng City of Ilagan Poilice Station, na mabilis ang pagpapatakbo ng ama ng bata at nang makarating sila sa barangay Fuyu ay bumangga sa kongkretong arko.

--Ads--

Dahil sa lakas ng pagkabangga ay tumilapon ang mga biktima at tumama ang bata sa arko kaya nagtamo siya ng malalang sugat sa katawan na naging sanhi ng kanyang kamatayan.

Agad na dinala sa Gov. Faustino N. Dy Memorial Hospital sa Lunsod ng Ilagan ang mga biktima subalit binawian ng buhay ang bata.

Ang mag-asawang Mangabat ay patuloy na nilalapatan ng lunas sa nasabing ospital.

Ayon kay PO2  Nicolas, lumabas sa alcoholic breath test na nakainom ng alak ang ama ng bata.