--Ads--

CAUAYAN CITY– Patay ang 7 anyos na bata matapos malunod sa magat river na sakop ng Baretbet, Bagabag, Nueva Vizcaya.

Ang biktima ay si Daniel Simbilio, residente ng Villaros, Bagabag.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni P/Captain Richard Daniel, hepe ng Bagabag Police station, na ang biktima at kanyang pamilya ay nagtungo sa ilalim ng San Lorenzo Bridge sa Barangay Baretbet upang magpiknik.

Nagawi ang bata at kanyang nakatatatandang kapatid sa malalim na bahagi ng ilog na nagbunga ng pagkalunod ni Simbilio.

--Ads--

Agad na nagsagawa ng search and rescue operation na tumagal ng isang oras subalit wala nang buhay ng matagpuan ang kanyang katawan.

Nagbibigay paalala ngayon ang kapulisan sa mga mamamayan na pagtuunan ng pansin ang mga bata kapag lumalangoy sa mga ilog upang maiwasan ang kahalintulad na pangyayari.