--Ads--

CAUAYAN CITY- Isinailalim sa operasyon ang 7 anyos na bata na biktima ng panggagahasa sa Cabarroguis, Quirino.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni PO3 Jerica Domingo ng Women and Children Protection Desk ng Cabarroguis Police Station na masyadong naapektuhan ang maselang bahagi ng katawan ng bata at nagdurugo kayat isinailalim sa operasyon.

Ang biktima ay 7 anyos na batang babae, Grade-1 pupil habang ang suspek ay kanyang bayaw na 22 anyos at driver

Lumabas sa pagsisiyasat ng Cabarroguis Police Station na ang biktima ay ihahatid sana ng bayaw sa paaralan subalit dinala siya sa bukid at doon ginahasa.

--Ads--

Sinabi pa ni PO3 Domingo na nagmamakaawa pa ang bata sa pinaghihinalaan subalit hindi man lamang pinakinggan.

Noong dinakip ang suspek kahapon ay nasamsaman ng illegal na droga kayat naniniwala ang mga kaanak ng biktima na nakagamit ng droga ng halayin ang batang babae.