--Ads--
CAUAYAN CITY – Patay ang isang 7 anyos na bata makaraang malunod sa isang resort sa Barangay General Aguinaldo Ramon, Isabela.
Ang biktima ay si Aeron Karl Juan, residente ng Barangay Oscariz Ramon, Isabela.
Lumalabas sa imbestigasyon ng mga otoridad na nalunod ang biktima sa swimming pool na pang matanda (adult pool).
Iniwan umano siya ng kanyang pamilya na mag-isa sa swimming pool dahil mayroon naman siyang salbabida.
--Ads--
Mayroon ding lifeguard subalit nagkataon na siya ay kumain nang malunod ang biktima.




