CAUAYAN CITY- Pitung bayan sa isabela ang nasa tatlong kategorya ng election watchlist dahil sa ilang kadahilanan.
Sa naging panayam ng bombo radyo cauayan, sinabi ni Supt. Warlito Jagto, PCR at PIO ng Isabela Police Provincial Office na ang nasa category 1 ay ang mga bayan ng Echague, Gamu, Naguilian, at Sto. Tomas dahil may mga gun for fire, political rivalry, private armed group at naitalang karahasan sa mga nagdaang halalan.
Ang San Mariano at San Pablo ay nasa category 2 dahil sa internal security operation dahil sa pagkilos ng mga kasapi ng New People’s Army.
Ang bayan ng Jones ay nasa category 3 dahil may gun for fire at political rivalry, internal security threat at insidente ng karahasan. sa bayan na ito at maaaring humingi ng dagdag na puwersa na manggagaling sa Prov’l Mobile Group o Police Regional Office number 2 depende sa magiging sitwasyon.




