--Ads--

CAUAYAN CITY -Nakapagtala ang Isabela Police Provincial Office ( IPPO ) ng pitong krimen na kinakasangkutan ang mga riding in tandem criminals sa buwan ng Abril, 2018 dito sa Isabela.

Sa pitong naitala, apat ang nalutas, dalawa ang cleared at isa ang patuloy pang inaalam ang pagkakakilanlan ng mga suspek.

Ang mga nalutas ay nadakip ang mga suspek at nasampahan na ng kaso samantalang ang cleared ay ang mga suspek ay nasampahan na ng kaso subalit hindi pa nadadakip.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Police Superintendent Warlito Jagto, Police Community Relation Chief ng IPPO na kaagad nilang nabibigyan ng solusyon ang sunod-sunod na mga shooting incident noong buwan ng Abril.

--Ads--

Malaking tulong anya ang mga saksi sa mga krimen sa pagtukoy sa mga suspek samantalang sa mga walang nakakita sa krimen ay malaking bagay naman ang pahayag ng pamilya ng mga biktima.

Binigyang diin pa ng nasabing opisyal na handa silang tumalima sa anumang ibababang kautusan ng national headquarter kasunod ng nauna ng pahayag ni PNP Chief Oscar Albayalde sa pagnanais na mapuksa ang mga riding in tandem criminals.