--Ads--

CAUAYAN CITY- Nakapagtala ng ng pitung biktima ng paputok sa Isabela simula kahapon hanggang ngayong unang araw ng Enero, 2018.

Dito sa Lunsod ng Cauayan, dinala sa pagamutan kaninang madaling araw ang 18 anyos na binata na residente ng San Fermin Cauayan City makaraang mapaso sa lusis na kanyang sinindihan.

Habang nagtamo rin ng paso sa kamay ang 10 anyos na lalaki matapos nagsindi ng Lusis.

Isinugod naman sa pagamutan si Dominic Mamucod, residente ng Bliss Village lungsod ng Ilagan matamos magtamo ng malubha sunog sa kaliwang kamay matapos pumutok sa kamay ang di pa matukoy na paputok.

--Ads--

Sa Santiago City ay apat na ang naitalang nasugatan ng mga paputok na pawang dinala sa Southern Isabela General Hospital .

Gumamit ng lusis ang 10 anyos na lalaki kung saan habang nakasindi ito ay hindi inaasahan natamaan ang kanyang kaliwang mata.

Ang isa pang biktima na pitong taong gulang ay hinagisan lang umano ng hindi pa natutukoy na uri ng paputok at nagtamo ng galos at pamumula ng kanang parte ng kanyang leeg,

Habang ang dalawang biktima ng paputok ay parehong nasagutan ang kamay na kaagad ding nalapatan ng lunas.

Ang mga biktima ay kaagad namang nakalabas sa pagamutan matapos malapatan ng lunas ang mga sugat na natamo sanhi ng mga paputok