--Ads--

CAUAYAN CITY – Umabot sa walo ang nasawi habang 31 ang nasugatan matapos na tatlong beses na bumaliktad at mahulog sa bangin ang sinasakyan nilang overloaded na jumbo jeep sa Barangay Balagan, San Mariano, Isabela.

Ang mga nasawi ay sina John Lloyd Rivera, 14; Marilen Gammad, 57; Gina Magusib; Ines Tapaoan, John Lloyd Cadiente; Carmelita Zalun, 54, pawang mga residente ng Barangay Macayu-cayu, San Mariano, Isabela at Kiring Cleto, residente ng Tumauini, Isabela.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PLt. Jess Alonzo, deputy chief of police ng San Mariano Police Station, sinabi niya na pauwi na sana sa Macayucayu, San Mariano ang jumbo jeep lunan ang maraming bilang ng mga pasahero, abono at iba pa ngunit nang makarating sa nasabing lugar ay nawalan ng preno ang jeep hanggang bumulusok at mahulog sa 10 metrong lalim na bangin.

Ang mga biktima ay pawang nagtamo ng malubhang sugat sa katawan at puno ng putik nang isugod sa ospital.

--Ads--

Dinala ang mga biktima sa iba’t ibang pagamutan upang malapatan ng lunas.

Photos credited to PLt Jess Alonzo.

With reports from Bombo Correspondent Marichu Alba