--Ads--

CAUAYAN CITY – Dalawa ang nasugatan sa naganap na karambola ng pitung sasakyan sa barangay Minante I, Cauayan City

Ang mga sangkot sa karambola ng sasakyan ay dumptruck, Nissan Navarra, elf truck isang Toyota Fortuner, Suzuki Jimny, motorsiklo at tricycle.

Nasugatan si Nelson Valero, tsuper ng tricycle, residente ng Nagrumbuan, Cauayan City matapos magkayupi-yupi ang kanyang minamanehong tricycle nang atrasan ng elf truck.

Nasugatan din ang tsuper ng Yamaha Nmax na nawasak matapos maatrasan ng Fortuner na minamaneho ni Jaimeson Cortez, residente ng Lallo, Cagayan.

--Ads--

Ang dumptruck ay minamaneho ng Philnante Zuniega, 32 anyos, residente ng Linglingay, Cauayan City habang ang pick up na naatrasan ng dumptruck ay minaneho ni Romeo Galamay, 52 anyos, residente ng Minante 2, Cauayan City.

Naatrasan din ang Jimny na minaneho ni Rommel Ibarra, residente ng Cabaruan, Cauayan City.

Inihayag ni Philnante Zuniega, tsuper ng dumptruck na may kargang graba na binabagtas nito ang paakyat na daan sa barangay Minante 1, Cauayan City nang biglang tumigil ang makina ng sasakyan sanhi para maatrasan ang pick up na minamaneho ni Galamay na ikinadamay ng lima pang sumusunod na sasakyan

Samantala, bukod sa mga napinsalang sasakyan ay naatrasan din ng dumptruck ang pader ng isang furniture shop.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Ginoong Reynaldo Matalang na kasalukuyan silang nagtatrabaho sa furniture shop ng kanyang kuya na si Ricardo Matalang nang makarinig sila ng mga nagkakarambolang mga sasakyan at nagulat sila nang bumangga ang dumpruck sa kanilang pader.

Nakita niya ang dalawang tao na nasugatan na agad dinala sa ospita ng mga tumugon na kasapi ng Rescue 922.

Tinig ni Reynaldo Matalang

Sinabi ni Matalang na walang may gusto sa aksidente ngunit hihilingin nila sa nakabanggang sasakyan ang pagsasaayos sa nasirang pader at bubungan ng kanilang furniture shop.