Sugatan ang pito katao, kabilang ang isang bata, matapos madiskaril ang pitong bagon ng isang passenger train sa Ulyanovsk Region sa Russia nitong Biyernes, Abril 3.
Ayon sa Russian Railways, naganap ang insidente ganap na alas-6:26 ng umaga (Moscow time) malapit sa Bryandino Station habang bumibiyahe ang tren mula Chelyabinsk patungong Moscow.
Agad na nagpadala ang mga awtoridad ng anim na ambulance team upang magbigay ng paunang lunas sa mga nasugatan.
Sa kasalukuyan, mahigit 100 personnel at ilang recovery trains ang nasa lugar upang pangunahan ang clearing operations at asikasuhin ang mga naapektuhang pasahero.
Patuloy pa ring inaalam ng mga opisyal ang sanhi ng aksidente sa pagpapatuloy ng imbestigasyon upang matukoy kung may naganap na paglabag sa railway safety rules.





