--Ads--

Sugatan ang pitong katao matapos magbanggaan ang isang sasakyang SUV at isang truck na naglalaman ng mga ipa, pasado alas dos ng hapon ngayong araw, sa National Highway barangay Sillawit, Cauayan City, Isabela .

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Jesus Ronilla, ang driver ng truck, aniya pagawing timog ito sa bahagi ng Alicia, Isabela at nang makarating sa barangay Sillawit malapit sa tanggapan ng Community  Environment and Natural  reource Office (CENRO) ay dun na nangyari ang aksidente.

Sinasabing galing umanong south o kabilang linya patungong norte ang nasabing SUV na kung saan umagaw umano ito sa kanyang linya. Unti-unti naman umanong ipinagilid nito ang truck upang iwasan sana ang SUV ngunit nasalpok pa rin nito ang kanyang minamanehong truck.

--Ads--

Agad namang rumesponde ang hanay ng Rescue 922 ngunit nahirapan ang mga ito sa pag-labas sa isa sa mga biktima dahil sa matinding pagkayupi ng harapang bahagi ng SUV.

Inunang dinala sa pagamutan ang isang lalaki at matandang biktima dahil sa may malulubhang sugat. Habang ang driver naman ay agad na linapatan ng paunang lunas dahil sa malalim na sugat nito at ang apat na iba pang sakay ay nagtamo lamang ng galos at sugat.

Napag-alamang magkaka-anak ang mga ito na galing umano sa Metro Manila at uuwi sa bahagi ng Naguillian, Isabela para gunitain ang Undas.

Samantala, maswerte namang walang  nangyaring masama sa driver ng truck.