CAUAYAN CITY – Dinakip ng mga kasapi ng Santiago City Police Office (SCPO) pitung tao dahil sa paglalaro ng sugal na tong-it sa Santiago City.
Ang mga dinakip ay sina Noel Degala, Benny Bugarin, Jojo Maturan at limang kababaihan na itinago sa mga pangalang Marjorie, Fely, Ivy, Rowena at Jonalyn, pawang nasa tamang edad at pawang residente ng Santiago City.
Sa pagpapatrolya ng mga kasapi ng Santiago City Police Office ay namataan ang mga pinaghihinalaan na nagsusugal.
Nasamsam sa kanilang pag-iingat ang pera at baraha na ginagamit sa pagsusugal.
Ang mga suspek ay dinala sa himpilan ng pulisya na labis labis ang kanilang pagmamakaawa na hindi na sila sampahan ng kaso.
Nangako ang pitung tao na hindi na magsusugal kapalit ng hindi na pagsasampa sa kanila ng kasong paglabag sa Presidential Decree 1602 (illegal gambling law)




