--Ads--

CAUAYAN CITY- Sugatan ang apat na tao makaraang masangkot sa magkakahiwalay na aksidente sa lansangan sa Cauayan City at tatlo naman ang sugatan sa naganap na aksidente sa Luna, Isabela.

Ang motorsiklong minamaneho ni Ryan Pingil, 27 anyos, binata, sakay ang backrider na si Christian Mauricio, 19 anyos, binata, kapwa construction worker at residente ng San Fermin, Cauayan City ay binabagtas ang Cabatuan Road nang bumangga sa isang SUV na minamaneho ni Ryan Paul De Vera, 35 anyos, may-asawa, isang negosyante at residente ng ng District 1, Cauayan City.

Bumaliktad ang mtorsiklo sanhi para masugatan sina Pingil at Mauricio

Dinala sa pagamutan ang mga biktima na nagtamo ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng kanilang katawan

--Ads--

Samantala, ang minamanehong motorsiklo ni Celso Viernes, 54 anyos, may-asawa, isang salesman at residente Lalug uno, Luna, Isabela ay bumangga sa isa pang motorsiklo na minamaneho ni Faustino Abad, 39 anyos, isang security guard at residente ng Labinab, Cauayan City .

ang motorsiklong minamaneho ni Viernes ay patungong hilagang direksiyon habang ang motorsiklong minamaneho ni Abad ay sa timog na direksiyon at nang magkasalubong sa isang car wash ay nagsalpukan ..

nagtamo ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang tsuper ng dalawang motorsiklo na agad dinala sa pagamutan .

Ang minamanehong kotse naman ni Eduardo Bonafe, 56 anyos, may-asawa , residente ng Santiago City na lulan sina Larry Bautista,45 anyos, balo, residente ng Barangay Centro Uno, Luna, Isabela at Jomar Faliano, 33 anyos, may-asawa at residente ng San Antonio Diffun, Quirino ay bumangga sa nakaparadang truck na minamaneho ni Robert Maanaw, 37 anyos, binata at residente ng Planas, Ramon, Isabela.

Nagtamo ng malubhang sugat sa katawan sina Bautista at Faliano na agad dinala sa pagamutan habang bahagyang sugat ang tinamo ni Bonafe.

Inihahanda na ang kasong reckless driving resulting in serious physical injuries and damage to property laban sa dalawang tsuper na sina Bonafe at Maanaw.