--Ads--

CAUAYAN CITY – Naging agaw pansin ang isang 70 anyos na lolo makaraang makuha ang gold medal sa 10,000 meter masters men’s 60 and above category sa ginaganap na 2019 Philippine Athletics Championships sa Ilagan City,Sports Complex.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Dennis Scott mula England ng team Ateneo De Davao University Blue Knights, kanyang sinabi na hindi hadlang ang edad sa paglahok sa naturang kompetisyon.

Samantala, nakakuha rin ng gintong medalya si Sofronio Igay, 66 anyos at residente ng Mandaluyong City sa naitalang bilis sa loob ng 30 minutes at 33 seconds sa 10,000 meter master men’s 60 and above category.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan inihayag ni Igay, na patuloy siyang tatakbo hindi lamang para magbigay ng karangalan sa bansa kundi malaking tulong aniya ito para sa kaniyang kalusugan.

--Ads--

Samantala sa 10,000 meter master men’s 30 to 34 Category ay panalo ng gold medal si Anorico Mahilum, habang sa 35-39 category ay si Jujet De Asis ang nag-uwi rin ng gold medal; sa 10,000 meter master men’s 40-44 category ay si Eduardo Buenavista ang nakahuha ng gintong medalya at si Romeo Marquez sa 45-49 category.

Sa 10,000 meter master men’s 50-54 at 55- 59 categories ay panalo ng gold medals sina Sixto Ducay at Rodolfo Tacadino.

Sa iba pang laro, nakasungkit din ng gintong medalya sina Christine Hallasgo sa 1000 meter women; Richard Salanio sa 1000 meter men;
Leonard Grospe sa high jump boys; Janry Ubas sa long jump men; Daniella Daynata sa discuss throw women; Ed Delina sa discuss throw boys;

sa discuss throw master men, gold medals ang nakuha nina Jose Gumabay, Emerson Obiena at Reynato Unso habang sa pole vault boys ay si Hokket Delos Santos; Alonzo Jardin para sa pole vault master men at Angel Carino sa triple jump women.