--Ads--

CAUAYAN CITY – Tumanggap ng tulong pananalapi ang mahigit 70 na dating rebelde kabilang ang mga regular na miyembro ng New People’s Army (NPA) at mga supporter na Militia ng Bayan na nagbalik-loob sa pamahalaan.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Army Lt.Col. Narciso Nabulneg, commander ng 54th Infantry Battalion Philippine Army na nakahimpil sa Ifugao, sinabi niya na ang pagbibigay tulong sa mga sumukong rebelde ay bahagi ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program (ECLIP) ng pamahalaan para sa kanilang pagbabagong-buhay.

Maliban sa cash assistance ay may nabigyan din ng livelihood assistance at nabayaran din ang kanilang mga isinukong baril.

Ang mahigit 70 na dating rebelde na sumuko sa militar ay mula sa iba’t ibang lugar sa Nueva Vizcaya at Ifugao.

--Ads--