CAUAYAN CITY – Inaasahan na sa susunod na taon ay ma-uumpisahan na ang decongestion o ang pagbabawas ng bilang ng mga nakabilanggo sa iba’t ibang mga piitan sa Isabela maging sa buong bansa.
Ito ay sa pamamagitan ng pagkakaroon na ng laang salapi para sa pagtatayo ng mga panibagong district jails at ang inaasahan namang pagbibigay ng counterparts ng Local Government Units (LGU) sa pamamagitan ng donasyong lupa na pagtatayuan ng mga nasabing piitan.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Jail Insp. Jose Bangug Jr., District Jail Warden ng BJMP Ilagan na lahat ng District Jails sa Isabela maging sa iba pang mga lugar sa bansa ay nagsisikip na.
Mayroon pang isang selda na mahigit 30 ang mga nakakulong na halos hindi na sila maaaring sabay-sabay na makahiga…
Dahil dito inaasahan ang pagtatayo ng mga panibagoing district jails sa tulong ng LGUs
Bilang paghahanda sa pagtatayo ng mga bagong BJMP District Jails ay mahigit 1,000 ang kinakailangan ng mga BJMP na mga bagong Jail Officers.
Inihayag pa ni Jail Insp. Bangug na sa nadatnan niyang 111 ay 70 percent sa kanila ay may nakabinbin na kaso hinggil sa ipinagbabawal na droga.




