--Ads--

CAUAYAN CITY – Umabot sa pitong libong indigenous tree seedlings ang itinanim sa simultaneous regionwide tree planting activity ng DENR Region 2 bilang bahagi ng pagdiriwang ng Philippine Arbor Day kahapon.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Regional Executive Director Gwendolyn Bambalan ng DENR Region 2 sinabi niya na mahigit isang libong volunteer ang nagsagawa ng tree planting activity sa ibat ibang lugar sa rehiyon upang malabanan ang climate change.

Aniya ito ay dinaluhan ng mga kawani ng national government agencies, uniformed group, municipal at barangay local government units, people’s organizations, civil society organizations, academe, youth sector, business sector, ilang myembro ng biker associations at environmental protection and development groups.

Isinagawa ang pagtatanim ng puno ng Narra, Ipil, Dao, Molave, Katmon, Bani, Tuai, White Lauan, Kupang, Kalumpit, Tindalo, Bayakbak, Bitaog, at bamboo propagule sa Batanes, Cagayan, Isabela, Quirino at Nueva Vizcaya.

--Ads--

Katuwang naman ng DENR Region 2 sa nasabing aktibidad ang Professional Regulation Commission o PRC Region 2 ipinagdiwang naman ang kanilang 51st founding anniversary.

Hinikayat naman niya ang publiko na magtanim ng puno sa mga bakuran upang mapigilan ang tuluyang pag-init ng temperatura ng mundo.

Aniya hindi ito magagawa ng DENR lamang kundi ito ay isang shared responsibility ng mamamayan.

Ang Philippine Arbor Day ay ipinagdiriwang tuwing ikadalawamput lima ng Hunyo taun-taon bilang pagsunod sa Presidential Proclamation No. 643 s. 2004.