--Ads--

CAUAYAN CITY – Sugatan ang isang lalaki matapos siyang saksakin habang naglalakad sa eskinita sa bahagi ng Brgy. Alinguigan 2nd, City of Ilagan, Isabela.

Ang biktima ay si Dexter Alvarez, trenta’y singko anyos, miyembro ng Rescue Ilagan at residente nang nabanggit na lugar.

Ang suspek naman ay isang trenta’y singko anyos na lalaki.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan napag-alaman na pauwi na sana ang biktima sa kanilang bahay at nang makarating siya sa madilim na bahagi ng eskinita ay bigla na lamang umano siyang sinaksak ng suspek sa kanyang tiyan gamit ang kutsilyo.

--Ads--

Pagkatapos ng pananaksak ay bigla umanong tumakas ang suspek habang nakahingi naman nang tulong biktima at kaagad siyang dinala sa pagamutan.

Ipinaalam naman ang pangyayari sa pulisya na kaagad namang nagsagawa ng imbestigasyon at napag-alaman ang pagkakakilanlan ng suspek na sumuko din sa pulisya pagkatapos ng pangyayari.

Ayon umano sa suspek, nagseselos siya sa biktima dahil hinala niya’y karelasyon ito nang kanyang asawa.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na nang City of Ilagan Police Station ang suspek kung saan siya ay mahaharap sa kaso.