--Ads--

CAUAYAN CITY– Arestado ang dalawang indibidwal sa isinagawang anti-illegal drug buy-bust operation ng otoridad sa Purok 1, Barangay Divisoria, Santiago City, Isabela.

Ang mga pinaghihinalaan ay sina alyas “RONIMAR” 22-anyos, may live in partner, self employed, at residente ng Purok 3, Mabini, Santiago City, Isabela at si Alyas “RENAN” 45-anyos, photographer at residente ng Purok 1, Calao East, Santiago City, Isabela.

Nadakip ang mga suspek matapos nilang bentahan ng illegal na droga ang isang pulis na nagpanggap na buyer.

Nakuha mula sa kanilang pag-iingat ang heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng white crystalline substance na pinaghihinalaang shabu, isang pirasong nakatuping papel na naglalaman ng mga tuyong dahon na hinihinalang marijuana.

--Ads--

Nasamsam din sa kanila ang ginamit na buy-bust money, isang pirasong tube pipe, dalawang unit na android  phone, isang piraso ng walang laman na pakete ng sigarilyo at isang motorsiklo na ginamit sa transaksyon.

Ang mga suspek at mga naturang ebidensiya na nakalap sa imbestigasyon ay dinala sa kustodiya ng Police Station 4 para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon sa paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.