CAUAYAN CITY- Pinag-usapan sa Ginanap na 3rd Executive Committee Hearing ng Bambanti Festival 2025 sa Capitol Compound, City of Ilagan ang mga kandidatang hindi pasok sa kwalipikasyon ng Queen Isabela.
Ayon kay Provincial Tourism Office na mayroon na lamang 32 na kandidata ang kumpirmadong pasok sa Queen Isabela dahil hindi pasok sa standart height ang ilang mga pambato.
Hiniling sa naturang hearing na bigyan pa rin ng pagkakataon na makasali ang mga hindi kwalipikadong kandidata ngunit hindi ito inaprubahan ng committee.
Ayon sa naging pahayag ni Vice Governor Faustino “Bojie” Dy, hindi aniya magiging patas para sa lahat ng kandidato kung tatamggapin pa rin ang mga kandidatang hindi pasok sa 5’4” na height requirement.
Maaari naman aniya na kumuha ng substitute o kapalit ng napiling kandidata, dapat lamang ay ihabol hanggang ngayong linggo.
Iginiit pa ni Vice Governor na mahalagang sundin ang panuntunan sa pagpili ng kandidata upang mapaghandaan ang isasali sa National Pageant.
Sa ngayon ay mayroon na lamang umanong dalawang bayan ang hindi pa nakapag comply partikular ang nayan ng Roxas at Naguilian.