Nasamsam ng mga kasapi ng Santiago City Police Office Station 4 ang nasa 50,000 pesos na halaga ng ipinagbabawal na gamot sa isinagawang drug buy bust operation sa Barangay Divisoria, Santiago City.
Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan kay PMaj Hassan Nor Damac, ang hepe ng Santiago City Police Station 4, matagal na nilang minamanmanan ang nasabing pinaghihinalaan matapos siyang ituro ng kanilang mga nahuhuli sa buy bust operation na isa sa mga pinagkukunan ng mga ipinagbabawal na gamot sa lungsod ng Santiago.
Dahil dito ay agad na nagsagawa ng pagsisiyasat ng kanilang himpilan hanggang sa isinagawa ang drug buy bust operation na pinangunahan ng Station 4 katuwang ang City Inteligience Unit ng SCPO at PDEA.
Matagumpay na naaresto ang pinaghihinalaan na si Alyas Pilo, nasa wastong gustong may asawa at residente ng Barangay Rosario, Santiago City.
Ito ay matapos bentahan ng dalawang pakete ng hinihilang shabu ang pulis na nagpanggap na buyer. Ito ay may tinatayang timbang na 7.5 grams at nagkakahalaga ng hugit 50,000 pesos.
Nasamsam din sa pang-iingat ng pinaghihinalaan ang isang sling bag, cellphone, at motorsiklo na ginamit sa transaksyon.
Dinala naman ang pinaghihinalaan sa kanilang custodial facility at nahaharap sa mga reklamo na paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act 2002.