--Ads--

CAUAYAN CITY –  Nakumpiska ng mga miyembro ng African Swine Fever Task Force ng pamahalaang lunsod ng Ilagan ang umaabot 75 na karton ng mga frozen meat products mula sa Quezon City sa kabila ng umiiral na total ban sa Isabela.

Ang tinatayang 7,000 na kilo ng mga longganisa, siomai at iba pang produktong karne ng baboy ay ibinaba ng  tatlong magkakasunod na biyahe ng Dalin Bus na patungong Tuguegarao City at nakumpiska ng task force sa boundary ng Ilagan City at Gamu, Isabela

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauyan kay  Ilagan City Agriculturist Moises Alamo, sinabi niya na tinatayang nasa 80 hanggang 100 kilo ang laman ng isang kahon.

Ayon kay Ginoong Alamo, naghinala sila na sa bus ipinapadala ang mga frozen pork by-products matapos na wala silang makitang mga katulad na produkto  sa mga refigerated van na kanilang sinusuri.

--Ads--

Aalamin din ng Task Force kung ano ang paglabag ng bus company na nagpasok ng mga frozen meat products sa Isabela.

Ito ay sa kabila ng Executive order na ipinalabas ni Gov. Rodito Albano na nagbabawal sa pagpasok  ng mga baboy at pork products mula sa ibang lalawigan para maiwasan na makaspok sa Isabela ang African Swine Fever.  

Photo credit: MyCity Pio FB