--Ads--

CAUAYAN CITY – Aabot sa pitumput limang indibidwal mula sa pinakadulong sitio ng Brgy Disulap na hindi pa napasok ng TESDA ang sasailalim sa isang buwang pagsasanay.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginoong Edwin Madarang, ang Vocational Superintendent ng ISAT TESDA, sinabi niya na isa ang Brgy Disulap sa prayoridad ng ahensya na mahatiran ng tulong sa pamamagitan ng training para sa pangmatagalang kita.

Aniya tatlong kurso ang bubuksan sa Sitio Nursery kabilang ang electrical installation and maintenance, motorcycle small engine servicing at cookery.

Tatagal ng dalawamput limang araw ang training sa electrical installation and maintenance at labing walong araw ang gugugulin sa motorcycle small engine servicing habang apatnaput tatlong araw naman sa cookery.

--Ads--

Sa naging pagpapahayag naman ni 1st Lt. Jude Joseph Escubio, CMO Officer ng 98th IB, mahahati sa tatlong klase ang pitumput limang indibidwal.

Karamihan sa mga magsasanay para sa electrical installation and maintenance ay pawang mga former rebels at dating militia ng bayan.

Ang mga sasailalim naman sa pagsasanay sa motorcycle small engine servicing  ay mga lokal na residente ng Sitio Nursery habang ang mga sasailalim naman sa training sa Cookery ay pawang mga asawa ng mga former rebels.

Maliban sa certifate na makukuha ng mga scholar ay tatanggap din sila ng pang araw araw na allowance na isandaan animnapung piso, internet allowance na 500 pesos at PPE Allowance na 500 pesos.

Pormal na mag uumpisa ang training ng mga scholar sa araw ng lunes at bilang pag iingat pa rin sa Covid 19 ay mauuna ang dalawamput lima sa mga ito upang makasunod sila sa minimum public health protocols.

Samantala inaasahang dadalaw si TESDA Secretary Isidro Lapeña sa bayan ng San Mariano sa susunod na buwan upang bisitahin ang mga naging proyekto ng TESDA.

Ang bahagi ng Ginoong Edwin Madarang, ang Vocational Superintendent ng ISAT TESDA.