--Ads--

CAUAYAN CITY – Umabot na sa 19 na bayan ang apektado ng Bagyong Maring batay sa report na natanggap ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) region 2  mula sa mga Municipal Action Team (MAT)  na nakatalaga sa mga Local Government Units (LGU’s).

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Information Officer Mia Carbonell ng Disaster Management Office ng DSWD region 2, sinabi niya na may 78 barangay na apektado at 1,780 ang mga naapektuhang pamilya o 6,639 na individual.

May mga pamilya na nakituloy sa kanilang mga kamag-anak o kapitbahay.

Wala pa silang ng natanggap na ulat mula sa mga LGU hinggil sa mga napinsalang bahay.

--Ads--

Ag mga Municipal Action Team aniya ay patuloy nakikipag-ugnayan sa mga MSWDO at MDRRMO para sa mga maitutulong sa mga apektadong pamilya.

Ayon kay Information Officer Carbonell, mayroon silang  ibinibigay na family food packs at hinihintay nila ang hiling ng mga LGU para sa augmentation.

Katuwang din ng DSWD region 2 ang OCD region 2 sa paghahatid ng mga relief packs sa  mga  residente sa isang lugar na nagkaroon ng pagbaha.

Hinggil sa security guard na nasawi sa Claveria, Cagayan matapos na madulas ay bahala ang MSWDO ang  magbibigay ng kaukulang tulong.

Ang pahayag ni Information Officer Mia Carbonell ng Disaster Management Office ng DSWD region 2,