--Ads--

CAUAYAN CITY – Nasawi ang isang batang babae matapos na malunod sa isang ilog sa Salvacion, Echague, Isabela.

Ang biktima ay 8-anyos at residente ng Magleticia, Echague, Isabela.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni PMaj. Rogelio Natividad, hepe ng Echague Police Station na kasama ng biktima ang kanyang ina at nakatatandang kapatid na babae na nagtungo sa ilog para maglaba.

Naligo ang biktima at ang kanyang kapatid at makalipas ang ilang minuto ay umahon ang ate nito para tingnan ang kanyang cellphone subalit nang lingunin nito ang kanyang kapatid ay nalulunod na.

--Ads--

Humingi sila ng tulong subalit natangay na ng malakas na agos ng tubig ang biktima.

Pagkatapos ng isang oras na search and rescue ay natagpuan ang katawan ng bata na agad dinala sa Echague District Hospital pero idineklarang dead on arrival ng doktor.

Ayon kay PMaj. Natividad, mababaw lamang ang nasabing ilog subalit may mga bahagi pa rin nito na malalim.

Marami rin ang dumadayo dito lalo na noong semana santa para magpicnic.

Natagalan aniya ang pagrescue dahil may kalayuan ang lugar sa kabahayan.

Tinig ni PMaj. Rogelio Natividad.