
CAUAYAN CITY- Kinumpirma ng Department of Health (DOH) Region 2 na umabot na sa walo ang fireworks related injuries ang kanilang naitala sa sa buong region 2.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Health Education and Promotion Officer 3 Lexter Guzman ng DOH region 2 na sa walong biktima ay isa ang na-admit sa pagamutan matapos tamaan ng boga sa mata.
Matapos matiyak na nasa mabuti nang kalagayan ang tinamaan ng boga sa mata ay nakauwi na rin sa kanilang tahanan.
Karamihan anya sa mga biktima ay naputukan ng boga.
Inihayag ni Health Education and Promotion Officer 3 Guzman na patuloy ang kanilang paalala sa mga mamamayan pangunahin na sa mga magulang na huwag hayaang gumamit ng paputok sa kanilang mga anak lalo na sa pagsalubong ng bagong taon.
Nagpaalala ang DOH region 2 sa publiko na gumamit na lamang ng ibang pampaingay tulad ng torotot at lata upang maiwasan ang aksidenteng dulot ng mga paputok.










