--Ads--

CAUAYAN CITY– Walong kaso ng panggagahasa ang naisampa ng Cauayan City Police Station ngayong Pebrero, 2018

Ito ang inihayag ni Police Senior /Insp. Esem Galiza, public information officer ng Cauayan City Police Station at pinuno ng Women and Children’s Protection Desk.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay P/Sr. Insp. Galiza kanyang inihayag na naisampa ang mga ito ngayong buwan ng Pebrero bagamat ang mga nasabing kaso ay naganap noong buwan ng Enero, 2018 at noong nakalipas na taon.

Maliban dito ay kung minsan ay nahuhuli nang magreklamo ang biktima laban sa suspek.

--Ads--

Ang problema pa anya ay madalas na hindi umuusad ang kaso dahil iniuurong ng mga biktima bagay na kanakadismaya ng Pulisya.

Bagamat nais nilang matulungan ang mga biktima ay wala na silang magawa kung iniuurong ang mga kaso laban sa mga suspek.

Ang pinakahuling nakakulong ngayon ay isang 52 anyos na negosyante dahil sa panghihipo sa isang 13 anyos na dalagita sa loob ng pampasaherong bus.