--Ads--

CAUAYAN CITY- Naitala sa Diffun, Quirino ang kauna-unahang namatay sa region 2 dahil sa sakit na tigdas.

Ang namatay ay  walong buwang gulang na sanggol.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Dr. Mila Vilar, Provincial Health Officer ng Quirino na mayroong kapatid na dalawang taong gulang na hinihinalang mayroong tigdas at matapos ang dalawang araw nahawaan nito ang walong buwang gulang na kapatid.

Sinabi pa ni Dr. Villar na nabakunahan ng tigdas ang dalawang taong gulang na batang nagkaroon ng tigdas subalit maaaring mahina ang immune system ng bata kaya nagka-tigdas.

--Ads--

Kinakailangan anya ng immunization boaster sa lalawigan ng Quirino pangunahin na at naideklara nang mayroong outbreak ng tigdas.

Sa ngayon ay hihintayin pa ang resulta ng kinalabasan ng pagsusuri ng Research Institute for Tropical Medicine kung tigdas ang ikinamatay ng sanggol at sanhi ng pagkakasakit ng kanyang dalawang taong gulang na kapatid.

Puspusan ngayon ang ginagawa ng Quirino Provincial Health Office sa pagbabakuna kontra tigdas at tatapusin nila ang province wide immunization hanggang ikapitu ng Marso, 2019.

Layunin nitong mapababa ang kaso ng Tigdas sa kanilang lalawigan.