--Ads--

Hindi bababa sa walong Palestino ang napatay sa panibagong pag-atake ng puwersa ng Israel sa Gaza.

Apat sa mga biktima ang nasawi sa isang pag-atake noong Linggo sa katimugang lungsod ng Khan Younis, ayon sa isang source mula sa Nasser Hospital.

Ayon sa ulat, naganap ang pag-atake lampas sa tinatawag na “Yellow Line,” kung saan nakapuwesto ang mga tropang Israeli sa Gaza.

Samantala, apat pang Palestino ang napatay matapos bombahin ng mga puwersa ng Israel ang isang tent ng mga lumikas na residente sa lugar ng al-Faluja sa hilagang Gaza, ayon naman sa source mula sa al-Shifa Hospital.

--Ads--

Wala pang agarang pahayag mula sa panig ng Israel kaugnay sa insidente.

Ayon sa mga awtoridad sa Gaza, mahigit 1,500 beses nang nilabag ng Israel ang ceasefire mula nang magkabisa ito noong Oktubre 10. Hindi bababa sa 591 katao ang naiulat na nasawi at 1,590 naman ang nasugatan mula noon.