--Ads--

CAUAYAN CITY – Inaresto  ng mga miyembro ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at Tumauini Police Station ang walong tao na umano’y miyembro ng grupo na sangkot sa syndicated estafa at pagbebenta ng mga pekeng US Currency at mga bank notes sa isinagawang operasyon sa Barangay 3, Tumuini, Isabela.

Ang operasyon ay isinagawa ng CIDG Regional Field Unit 2,  CIDG Isabela sa pangunguna ni PLt Col Julius  Jacinto, Tumauini Police Station sa pangunguna ni  PMaj Rolando Gatan at Police Intelligence Unit ng Isabela Police Provincial Office (IPPO) sa  supervision ni PMaj Eugenio Mallillin at  sa koordinasyon sa  Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Ang mga nadakip ay sina Minerva Roan, 53 anyos at  residente ng San Pedro, Angono, Rizal na siya umanong lider ng grupo na nagsasagawa ng operasyon sa National Capital Region (NCR), Region 4A and Region 2.

Kasama niyang naaresto sina Fe Borromeo, 67 anyos at residente ng Santo Nino, San Mateo, Rizal; Michelle Quitalib, 63 anyos, biyuda at residente ng District 3, Cauayan City; Pilar Castillejo, 64 anyos at residente ng Nungnungan, Cauayan City; Monette Baronia, female, 41 anyos  at  residente District 3, Cauayan City,  Rowena De Guzman,  53 anyos at residente ng  Quirino, Maria Aurora, Aurora;  Aji Marquez, 25 anyos at residente ng Sinimbaan, Roxas, Isabela  at Jay Mark Bredico, residente ng Masaya Sur, San Agustin, Isabela.

--Ads--

Sa isinagawang operasyon ng mga awtoridad ay nahuli ang mga suspek sa aktong nagbebenta ng mga counterfeit US Dollars at narekober mula sa kanilang pag-iingat ang iba’t ibang  foreign dollar bank notes, lumang  Philippine currency,   Bank Statement Certificate, HSBC Bank Statement Certificate, isang van na rehistrado sa pangalang Norma  Estavillo ng  Minanga, Naguillian, Isabela at boodle money na nagkakahalaga ng 2 million pesos, mga cellphone at pitong piraso ng bala ng Caliber 45.

Sasampahan  ang mga suspek ng kasong paglabag sa Revised Penal Code  Article 168 o Illegal Possession and Use of Bank Notes and Other Instrument of Credit at paglabag sa Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.