CAUAYAN CITY- Nakapagtala ang Kagawaran ng Kalusugan o DOH Region 2 ng walumpong kumpirmadong kaso ng Corona Virus Disease o COVID- 19 ngayong buwan ng Mayo sa Lambak ng Cagayan.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Liezel Jampas, OIC head ng Regional Epidemiology and Surveilance Unit sinabi niya na hindi parin tumitigil ang DOH Region 2 sa minitoring sa mga naitatalang kaso ng COVID 19 sa rehiyon.
Sa loob ng isang linggo ay nakapagtala ang Lambak ng Cagayan ng walumpong kompirmadong kaso ng COVID-19 kaya sumampa na ang kabuang kaso ng rehiyon sa 1,165 cases mula Enero hanggang Mayo kung saan 46 dito ay aktibong kaso na karamihan ay babae na nagpakunsulta at sumailalim sa RT-PCR testing.
Pinakamarami ang naitala sa Cagayan na may 30 active cases na sinundan ng Isabela, Nueva Vizcaya at Santiago City.
Madalas sa mga naitalang kaso ay local cases at may travel history mula sa iba’t ibang lugar.
Nakapagtala rin ang DOH Region 2 ng 37 deaths sanhi ng COVID -19 na pawang may mga commorbidity.
Aniya, bagamat mataas ang naturang bilang ay 44 percent itong mas mababa kumpara sa mga reported cases noong nakaraang taon.
Nanatili na mahigpit ang bawat RHU at Hospital sa Lambak ng Cagayan sa pagsasagawa ng contact tracing at isinasailalaim sa isolation ang mga kumpirmadong kaso sa kabila na lifted na ang Public Health Emergency noong 2023.
Sa ngayon ay nanatili ang Region 2 sa Low Risk Classification habang moderate naman ang 2 week growth rate sa buong Lambak ng Cagayan.