
CAUAYAN CITY – Tampok sa Mother’s Day Special ng Bombo Radyo Cauayan bilang pagkilala sa mga natatanging ina ang isang 81-anyos na Pinay Lola na nakatanggap ng parangal bilang best mother sa Amerika.
Nabiyuda sa edad na 42-anyos si Mrs. Estrella Ramos na residente ng Tagaran, Cauayan City at iniwan ng asawa ang 11 anak.
Kahit napaka-imposible, naitaguyod ni Lola Estrella ang mga anak na ang ilan ay nagself supporting din para makatapos sa pag aaral.
Nang mapagtapos ang lahat ng anak ay nabigyan siya ng pagkakataon na makapagtrabaho sa Amerika bilang caregiver sa edad na 62 hanggang 75.
Napag-aral niya ang ilang apo at bago umuwi ng bansa si Lola Estrella ay kinilala siya bilang Best Mother of the Year sa America taong 2008.
Ito ay dahil sa kanyang natatanging pagganap bilang ina sa mga anak at lola sa kanyang mga apo.
Dahil sa murang edad pa nang siya ay iwan ng kanyang ina, ito ang nagmulat kay Lola Estrella upang gawin ang lahat ng makakaya para sa kanyang pamilya.






