--Ads--
CAUAYAN CITY – Dinakip ng mga kasapi ng San Manuel Police Station ang isang lolo dahil sa kanyang nakabinbing kaso sa hukuman.
Ang akusado na si Brigido Bergonia, 82 anyos at residente ng Muñoz, Roxas, Isabela ay nahaharap sa 4 na bilang ng kasong panggagahasa.
Nadakip ang akusado ng mga kasapi ng Manuel Police Station sa pangunguna ng kanilang hepe na si P/Sr. Insp. Rey Lopez.
Ang akusado ay itinuturing na number 4 Wanted Person sa San Manuel, Isabela.
--Ads--
Walang inilaang piyansa ang hukuman para sa pansamantalang kalayaan ni Bergonia




