--Ads--

Hindi bababa sa 82 families o 301 individuals ang naapektuhan ng sunog na sumiklab sa Barangay Tejero, Cebu City nitong umaga ng sabado, January 10, 2026.

Ayon sa Cebu City Disaster Risk Reduction and Management Office (CCDRRMO), umabot sa anim na put walong (68) bahay ang tinamaan ng apoy, anim na put dalawa (62) ang tuluyang nawasak habang anim (6) ang bahagyang nasira.

Kinumpirma naman ng city information office na isang residente ang nasugatan. Ang biktima na kinilalang si Jonathan Duterte, kwarentay singko anyos, na agad dinala sa ospital para sa medical treatment.

Nagbigay na ng pagkain ang Department of Social Welfare and Services (DSWS) sa mga apektadong pamilya at sinimulan na rin ang accounting ng mga itinuturing na Internally Displaced Persons (IDPs).

--Ads--

Itinaas sa second alarm ang sunog at tuluyang naapula sa tulong ng DRRMO, Bureau of Fire Protection, mga barangay fire brigade, at mga private fire brigade.