--Ads--

CAUAYAN CITY – Nakabitin at wala nang buhay nang matagpuan ng kanyang anak ang isang 87 anyos na lolo sa Batal, Santiago City.

Nang magtungo umano sa likod bahay ang anak ng senior citizen upang magwalis ay nagulat  nang makita ang nakabitin na katawa ng ama sa kanilang kubo-kubo.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan  sa Station 1 ng Santiago City Police Office (SCPO) ang nagpakamatay na itinago sa pangalang Julian ay biyudo  at residente ng nasabing barangay.

Tumugon ang Station 1 matapos na matanggap ang tawag ng isang concerned citizen at ipinabatid sa pagkakatagpo sa bangkay ng senior citizen.

--Ads--

Batay sa imbestigasyon nina Patrolman Mark Angelo Visaya at PCpl. Mike Sosa, unang na-diagnose na may tuberculosis ang lolo na umanoy nagpahirap sa kaniya.

Hindi na umano humingi ng tulong sa Scene of the Crime Operatives (SOCO) ang pamilya ng matanda dahil  naniniwala silang nakaranas ng depresyon sanhi kanyang karamdaman at humantong sa kanyang pagpapakamatay.