--Ads--

CAUAYAN CITY– Isang lolong kalalabas lamang ng pagamutan ang namatay matapos masagasaan ng cement mixer truck sa Santa Fe.

Ang biktima ay si Pedro Del Rosario, walumpu’t pitung taong gulang, balo at residente ng Baleleng Santa Fe, Nueva Vizcaya

Ang pinaghihinalaang tsuper ng cement mixer ay si Moises Waytan, limamput dalawang taong at residente ng Villa Flores, Santa Fe Nueva Vizcaya

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Police Senior Inspector Ariel Gabuya, hepe ng Santa Fe Police Station na kasalukuyang umaatras ang mixer truck sa ginagawang road widenning sa barangay Baleleng ng tumawid ang biktima.

--Ads--

Hindi anya napansin ng tsuper ang matanda na nasa likuran ng mixer sanhi para masagasaan at dito nagulat na lamang ng makita ang biktima sa harapan na ng mixer.

Inihayag pa ni Senior Inspector Gabuya na kagagaling lamang ng ospital ang biktima kaya’t naghihinanakit ng husto ang kanyang mga anak.

Sinampahan na ng kasong si Waytan matapos mamatay ang biktima na nasagasaan ng kanyang minamanehong cement mixer truck.