--Ads--

CAUAYAN CITY – Nasabat ng mga kasapi ng Cauayan City Police Station ang halos siyamnapong karton ng alak sa San Fermin, Cauayan City.

Dakong 2:30 kahapon ng makita ng mga nagpapatrolyang kasapi ng nasabing himpilan ang anim na kalalakihan na nagdidiskarga ng umaabot sa 87 karton ng alak sa isang puting isuzu close van at inililipat sa isang puting isuzu elf truck na pinatungan ng mga abono.

Ang mga suspek at mga nakumpiskang karton ng alak ay dinala sa himpilan ng pulisya para sa masusing imbestigasyon at kaukulang disposisyon.

Sa ngayon ay pansamantalang nakakalaya ang mga pinaghihinalaan habang inihahanda ang mga dokumento para sa isasampang kaso laban sa kanila.

--Ads--