--Ads--

CAUAYAN CITY – Natagpuang patay ang isang matandang babae sa waterway sa barangay Old Centro Proper, San Mateo, Isabela.

Ang natagpuang patay ay si Marina Delfin , 88 anyos at residente ng barangay tres, San Mateo, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa pamilya ni Delfin, ay iniwan pa nila ang matanda sa kanilang tahanan dahil matitinda sila ng ukay-ukay sa Magat dam.

Kampante ang pamilya na iniwan ang matanda dahil malakas pa ito ngunit aminado sila na minsan ay makakalimutin .

--Ads--

Dinala pa sa Integrated Hospital ang bangkay para suriin.

Ayon sa doktor na sumuri, tinatayang anim na oras ng patay ang si Delfin dahil matigas na ang kaniyang katawan at wala ring nakitang sugat sa katawan nito kaya hindi na isinailalim sa awtopsiya.

Hinihinalang nadapa ang matanda at hindi agad nakabangon dahil sa posisyon nito ng matagpuan.