CAUAYAN CITY- Labis ang pagdadalamhati ngayon ng ama ng 9 anyos na batang babae na nalunod sa Ilog Cagayan sa Angdanan, Isabela.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Ginoong Romy Reyes, ama ni Malaya Reyes, 9 na anyos, residente ng Centro Uno, San Guillermo, Isabela na hiniling ng kanyang anak na sa ilog Cagayan malapit sa Pigalo Bridge.
Sinabi pa ni G. Reyes na bago mangyari ang pagkalunod ng anak ay tuwang tuwa si Malaya nang sabihin ng ina na pupunta silang mapicnic.
Ayaw anya niyang malungkot ang anak kaya pumayag na siyang magtungo sila sa ilog
Inihayag ni Reyes na pangarap ng kanyang anak na maging Doktor o Guro kaya labis ang kanyang pagdadalamhati.
Sinabi pa ng ama ng bata mayroong nagtangkang magligtas sa kanyang anak subalit muntik nang malunod dahil nagawi sa may malalim na butas na bahagi ng ilog.
Nanawagan si G. Reyes sa sinumang makakita kay Malaya na nakasuot ng pink na pang-itaas na three-fourth ang manggas at naka-leggings ng itim na may markang Hello Kitty na makipag-ugnayan sa mga otoridad sa Angadanan, Isabela




