--Ads--

CAUAYAN CITY – Bagsak sa kulungan ang 9 na katao matapos na maaktuhang nagsusugal sa San Francisco, San Manuel, Isabela.

Ang mga nadakip ay pawang nasa wastong gulang, magsasaka at residente ng naturang barangay.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PLt. Resty Derupe, hepe ng San Manuel Police Station, sinabi niya na sa ilalim ng Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operation (SACLEO) ng Police Regional Office 2 (PRO2) ay inilunsad nila ang isang anti-illegal gambling operation na nagresulta sa pagkakadakip ng 9 na katao.

Aniya, dakong alas dos ng hapon kahapon ng madakip nila ang mga pinaghihinalaan matapos na makatangap ng impormasyon mula sa isang concened citizen ang kanilang pulis sa barangay.

--Ads--

Agad na nagtungo ang mga kasapi ng San Manuel Police Station sa lugar upang kumpirmahin ang ulat at naaktuhan ang mga pinaghihinalaan na nagsususgal sa isang bahay.

Dinala sa San Manuel Police Station ang mga naaresto kasama ang mga nasamsam na ebidensya para sa dokumentasyon at kaukulang disposisyon.

Maliban sa Presidential Decree 1602 (anti illegal gambling law) ay maaari ring mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 11332 ang mga pinaghihinalaan dahil sa paglabag sa panuntunang mass gathering.

Tinig ni PLt. Resty Derupe.