--Ads--

CAUAYAN CITY – Sugatan ang siyam na katao matapos silang masangkot sa karambola ng sampong sasakyan sa barangay Baligatan, Ilagan City.

Sa pagsisiyasat ng Ilagan City Police Station ang forward truck na minamaneho ni Joey Pagaduan, 27 anyos, residente ng Sanchez Mira, Cagayan ay nawalan ng preno sa paakyat na daan sanhi para mabangga ang siyam na sasakyang nasa harapan nito.

Ang mga mga inararo ng forward truck ay ang mga motorsiklong minamaneho nina Francisco Garcia at Rodolfo Fuerte, kabilang ang isa pang sasakyan na minamaneho ni Ronald Delas Alas, ang tatlong tricycle na minamaneho nina Rodrigo Dionisio, Richard Corpuz at Joel Maduli na pawang residente ng Ilagan City.

Nadamay din sa karambola ng sasakyan ang isang Honda CRV na minamaneho ni Pedro Acosta na residente ng Brgy. Tanay, Rizal; motorsiklong minamaneho ni Herson Sugpatan, residente ng Brgy. San Antonio, City of Ilagan at ang Chevrolet Trailblazer na minamaneho ni Romel Carisoman, may-asawa at residente ng Villareal Western, Samar.

--Ads--

Ang mga sugatang katao ay ang mga sakay na inararo ng forward truck na kaagad dinala sa ospital.

Nagpapagaling na sa pagamutan ang ilan sa mga nasugatan habang ang iba ay nakalabas na sa ospital.