--Ads--

Palalayain na ang siyam na marinong Pilipino na bihag ng militanteng grupong Houthi sa Yemen, ayon sa  Department of Foreign Affairs (DFA).

Kabilang ang 9 na Pinoy sa mga tripulante ng Liberia-flagged vessel na M/V Eternity C na intake ng Houthi rebels at binihag mula pa noong Hulyo.

Ayon sa nakuhang impormasyon ng DFA mula sa mga awtoridad ng Sultanate of Oman, ililipat na ang mga Pinoy mula Sana’a, Yemen patungong Muscat, Oman matapos ang matagumpay na negosasyon.

Dahil dito ay inihahanda na ng Philippine Embassy sa Muscat at ng Migrant Workers Office-Muscat ang agaran at ligtas na pagpapauwi ng mga seafarer.

--Ads--

Matatandaan na nauna na ring nailigtas at naibalik sa Pilipinas ang walo pang Pilipinong tripulante ng naturang vessel.