--Ads--

Nasawi ang walong empleyado ng City Agriculture Office–Engineering Division ng Pamahalaang Lungsod ng Bayawan matapos mahulog sa bangin ang kanilang sinasakyang mini dump truck sa Sitio Urang, Barangay Kalamtukan, Bayawan City.

Kabilang sa mga nasawi ang isang lalaking estudyante ng College of Industrial Technology (CIT) ng Negros Oriental State University–Bayawan–Sta. Catalina Campus, na naka-assign sa City Agriculture Office–Engineering Division bilang bahagi ng kanyang on-the-job training.

Batay sa paunang imbestigasyon ng mga awtoridad, naghatid ng fuel ang mini dump truck para sa mga heavy equipment ng pamahalaang lungsod.

Gayunman, habang pauwi na ang sasakyan at bumabaybay sa pababang kalsada, nawalan umano ito ng preno dahilan upang mahulog sa bangin na may tinatayang lalim na 50 metro.

--Ads--

Dahil sa lakas ng impact ng pagkakahulog, lubos na nadurog at halos wasak ang mini dump truck.

Patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang buong detalye at sanhi ng insidente.