--Ads--

CAUAYAN CITY – Siyam na kasapi ng Cauayan City Police Station ang na-promote o naitaas ang kanilang ranggo.

Ang mga na- promote ay kinabibilangan nina SPO3 Edmar Angeles, SPO3 Aldwin Jay Batang, SPO3 Ramir Ramel, SPO1 Flaviano Caban Jr., SPO1 Prince Joy Gomez, PO2 Fred Fery Nabong, PO2 Jessie Manuel Jr., PO2 Roger Bawagan at PO2 Rey King Ramel.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni P/Chief Insp. Benigno Asuncion, deputy chief of police ng Cauayan City Police Station ang kanyang katuwaan sa pagtaas na ranggo ng mga nabanggit na pulis.

Nagmula ang mga na-promote sa iba’t ibang section ng Cauayan City Police Station.

--Ads--

Sinabi ng opisyal na ang kanilang pagka-promote ay kaakibat ng mas malaking responsibilidad na kanilang gagampanan.

Matagal na anya niyang nakasama at naka-trabaho ang siyam na na-promote na pulis at kuntento naman siya sa kanilang ginagawa at pagse-serbisyo.